Pacman goodbye na sa boksing; pokus na sa kampanya! 

Pacman goodbye na sa boksing; pokus na sa kampanya! 

Pacman goodbye na sa boksing; pokus na sa kampanya! 

Share to Facebook Share to Twitter Share to Google Plus
Bilang paghahanda na pumalaot bilang kandidato sa pagka-Pangulo ng Pilipinas, pormal nang namaalam sa boksing si fighting senator Emmanuel “Manny” D. Pacquiao na pinaalab ang mundo sa loob ng 26 na taon. 
 
Kasado na sa pagtakbo si Pacman sa ilalim ng Partido Demokratiko  ng Pilipinas- Lakas ng Bayan (PDP -Laban)  Pimentel wing para sa 2020 Pambansang Halalan. 
 
Pormal na inihayag ng  eight-division world champion ang pamamaalam.  Miyerkules sa video post sa kanyang facebook account na may titulong “Goodbye boxing”.
 
“It is difficult for me to accept that my time as a boxer is over. Today, I am announcing my retirement,” sa pahayag ni Pacquiao.
 
“I just heard the final bell… Tapos na ang boxing (My boxing career is over).”
 
Pinasalamatan ng tubong General Santos City, na naging pro boxer sa gulang na 16 taong 1995, ang lahat ng tao at grupong naging parte ng kanyang makulay na karera sa naturang larangan gayundin sa walang sawang suporta ng fans hanggang sa dulo ng kanyang kampanya. 
 
“I never thought that this day would come. As I hang up my boxing gloves, I would like to thank the whole world, especially the Filipino people, for supporting Manny Pacquiao,” aniya pa. (LP/BW)