Adrien Broner umiskor ng UD win vs. Jovanie Santiago!

Adrien Broner umiskor ng UD win vs. Jovanie Santiago!

Adrien Broner umiskor ng UD win vs. Jovanie Santiago!

Share to Facebook Share to Twitter Share to Google Plus
Dalawang taon ang nakaltas mula sa kanyang huling laban,  rumesbak si dating four-division titleholder Adrien Broner sa ibabaw ng lona, Sabado sa isang welterweight headliner sa Premier Boxing  Champions card sa Mohegan Sun Arena, Unscaville,  Connecticut.
 
Si Broner (34-4-1, 24 KOs) ay hindi naging aktibo sapat na para mag- impress at kinailangan pang umarangkada sa huling mga yugto para maisalba ang unanimous decision kontra 'di sikat na si Jovanie Santiago (14-1-1, 10 KOs).
 
Sa tunay na karakter ni  Broner, naging mas mailangasngas at makulay ang kanyang  post-fight interview kaysa sa 12 rounds na salpukan. 
 
Sa kabila nang pagkawala ng  207 sa 98 ng light-punching si Santiago, ayon sa CompuBox, ang tatlong hurado ay pinaboran ang astig na kontra birada mula sa 31-anyos na si  Broner sa pagtala ng 115-112, 116-111 at 117-110. Umiskor din ang CBS Sports ng 115-112 para kay Broner, na nakinabang kay Santiago sa paghatak ng puntos ni referee Arthur Mercante Jr. para isara ang Round 4 kahit ang kapwa  fighters ay nagpaulan ng mga suntok matapos magkalembang. 
 
"That was cool. I want to go home and really look at my fight. I haven't fought in two years," bulalas ni Broner. "I felt good and I felt like I won the fight. It felt like I beat him with the jab, honestly. It feels good to get my hand raised."
 
Sa kabila ng komento ni Broner, hindi gaanong naipamalas ang kanyang mga  jab hanggang sa pagbitaw na lang sa huling mga round. Higit na sumandig sa kanyang counter left hooks at short right hands sa sagupaang, sa papel, ay walang bisnis na maging dikit kung saan hinatagan ng agwat ang talento sa pagitan ng dalawang boksingero. 
 
Si Santiago, 31, ay ibayo ang pag-angat sa kategorya ng kanyang unang laban sa labas ng Dominican Republic o ang kanyang tinubuang Puerto Rico.
 
Si Broner, sa kabilang banda, ay hindi na napasabak buhat noong 2019 loss kay Manny Pacquiao sa kanilang pay-per-view bout bago nagbakasyon na tinampukan ng legal na usapin,  alcohol abuse at pagtaas ng timbang. 
 
"I have to go home and assess my performance but I didn't really warm up that much," sambit ni Broner. "Later on in the fight I warmed up and started to feel good. I knew the motherf---er was going to be tough because he has that [undefeated record]. I knew he would fight like a homeless guy going for a sandwich. [But] I came in and I got the job done." (Louis Pangilinan)