Mga Pinoy, nagpaulan ng knockout.

Mga Pinoy, nagpaulan ng knockout.

Mga Pinoy, nagpaulan ng knockout.

Mga Pinoy, nagpaulan ng knockout.

MABAGSIK NA PAGBABALIK NI PAGARA SA “PINOY PRIDE 46,” MAPAPANOOD SA ABS-CBN S+


Matagumpay na nagbalik sa loob ng boxing ring si “Prince” Albert Pagara sa “Pinoy Pride 46: Banggaan sa Ormoc,” na napanood sa ABS-CBN S+A kahapon Huwebes (Agosto 22) ng 12 nn at may replay sa Setyembre 1.

Muling tagumpay ang pagdepensa ni Pagara sa kanyang titulo sa WBO Inter-Continental Super Bantamweight nitong nakaraang Sabado (Agosto 17)sa Ormoc City Superdome sa Leyte, kung saan nagpaulan ng knockout ang iba pang Pilipinong boksingero na sina Jeo Santisima, Jonas “Zorro” Sultan, and Melvin “El Gringo” Jerusalem

Hindi na pinainit ni Pagara ang Thai fighter nang patumbahin niya ito agad gamit ang kanyang right straight. Nakatayo pa si Sawangsoda pero tatlong beses pa ito ulit pinatumba ni Pagara hanggang sa itinigil na ng referee ang laban sa 2:53 na marka ng unang round.

Samantala, nagpakitang-gilas muli si Santisima pagkatapos niyang masungkit ang isa na namang knockout sa first round kontra kay Alvius Maufani ng Indonesia bilang co-main event ng naturang kartada. Hindi naman nagpahuli sina Jonas “Zorro” Sultan at Melvin “El Gringo” Jerusalem na parehong nagtala ng knockout sa ika-pitong round kontra kina Salatiel Amit at Reymark Taday.

Huwag palampasin ang mga kahindik-hindik na knockout sa “Pinoy Pride 46: Banggaan sa Ormoc” ngayong Huwebes (Agosto 22) na mapapanood sa S+A at S+A HD ng 12 nn at muli sa Setyembre 1 ng 12 nn. (Louis Pangilinan)