Maxicare : Di nagbalik ng refund sa PWD

Maxicare : Di nagbalik ng refund sa PWD

Sa mga nakalipas na taon, lumago ang pagkilala sa mga Medical insurance kung saan maraming mga tao ang naging masigasig na paglaanan ng pansin ang kanilang kalusugan at kung paano makaepekto sa  kanilang pinansiyal na aspeto. 
 
 
At habang maraming indibiduwal ay walang mga isyu na kinakaharap sa kanilang mga respektibong kompanya ng seguro kapag nagbabayad o kumukuha ng kanilang premiums, may mga tao rin ang nangangarap na magkaroon ng kaalwanan sa pananalapi kapag nagkataong magkaroon ng biglaang krisis sa kalusugan, ngunit sa halip ito'y nagiging bangungot.
 
Para sa media personality na si Robbie Pangilinan, ang bangungot ay naging reyalidad, nang ang  isang insurance company na mayroon siyang kasalukuyang policy plan ay kinansela na hindi man lang siya sinabihan o notipikasyon. Nakaligtas na siya sa dinanas na 2 strokes ilang taon lang ang pagitan at pagbabago sa istilo ng pamumuhay (lifestyle), nagawa rin niyang dagdagan ang kanyang  coverage, sa pagkuha ng Family Plan buhat sa kilalang  healthcare provider na Maxicare.
 
“I got the plan so that my family members can also avail of the product. Aside from me, my son Louis Pangilinan is also one of the beneficiaries. I occasionally have memory lapses due to my stroke so I set up a quarterly payment scheme so that there would be less tracking of monthly bills to look into,” aniya. 
 
Gayunman,  dumating ang problema nitong kaagahan ng taong 2020 nang inimpormahan si Robbie ng Maxicare na hindi umano siya updated sa pagbabayad na kanya namang pinabulaanan at bilang katunayan nagpadala siya ng  screenshots ng huling 3 bayad na kanyang ginawa para punuan ang huling 2 quarters. Inamin naman ni Robbie medyo naantala, na binayaran ang  January due date nito lang Marso.
 
Bagamat,  sinabi ng Maxicare na dahil sa pagkaantala ng policy payment, kailangan ni Robbie ay magbayad para sa ikatlong buwan ng  advance at magtakda ng due date sa March 16, o isang linggo matapos ang orihinal na binayaran. 
 
Pero, ayon kay Robbie na mula nang mahuli siya ng kanyang payment, ang sumunod na payment date ay dapat Abril na,  posisyon na sinusuportahan ng kanyang  account officer na si Dino Godoy. Sa kabila nito, nagawang ilaglag (terminate)  ng Maxicare ang polisiya na lingid sa kaalaman ni Robbie. Ito'y dahil sa  underwriters na nagbalewala (reject) sa reinstatement ng kanyang account, na nagresulta ng kanselasyon.
 
 Dahil sa mga pangyayari, kaagad na humiling si Robbie at kanyang misis para sa  reimbursement ng kanilang binayad kung saan ang kanilang March payment ay naging wala ng halaga (moot) dahil sa kanselasyon ng  policy na hindi nila nalaman. 
 
Ganunpaman, ang pakikipag-usap sa  Maxicare ay napakahirap at sa loob ng maraming buwan, ang isyu ay hindi pa nasosolusyunan.
Para sa Maxicare, ang pag-refund umano ng ibinayad ay malabo dahil sa ilalim ng rekord ng kompanya, si  Robbie ay na-confined sa isang ospital. Ngunit,  pinasinungalingan ito ni  Robbie  at aniya ang  kanyang huling confinement ay noon pang Oct. 28 hanggang Nov. 1, 2019. Maraming mga  request ang isinagawa, kabilang na ang mga dokumento tungkol sa kanyang pagpa-ospital na nakapaloob ang petsa at katunayan ng huling payment para sa 2019. 
 
Para kay Robbie, ito'y binanat ng isang kompanyang tulad ng kasinglaki ng  Maxicare ay hindi nagagawang suriing maigi ang mga mahahalagang impormasyon o data ng kanilang kliyente, lalo na't  sangkot ang mga rekord sa payment ng kanilang mga kliyente. 
 
“I know that 11,000 seems to be a small amount for some, but this is still money that I earned though my own sweat and blood. I just want my money back and for Maxicare to explain to me why it had to be so difficult for me to do so,” malungkot pang wika ni Robbie.