GAB, WBC ayos sa protocol ng Covid-19

GAB, WBC ayos sa protocol ng Covid-19

 
MALATE, MANILA - MAY pag-iingat at batay sa panuntunan na ipinatutupad ng pamahalaan para sa paglaban sa COVID-19, unti-unti na ring bumabangon ang professional sports at dahan-dahan na ring binubuksan ng Games and Amusement Board  (GAB) ang pintuan para matugunan ang pangangailangan ng mga atletang Pinoy.
 
Bilang panimula, pinangunahan ni GAB Chairman Abraham ‘Baham’ Mitra, kasama sina Commissioners Eduard Trinidad at Mat Masanguid, ang konsultasyon at pakikipagpulong sa mga Division  head ang piling empleyado.
 
“Kailangan ang mahigpit na pag-iingat. While the government already imposed General Community Quarantine (GCQ) in Metro Manila, focus pa rin tayo sa safety and security ng ating mga kababayan, including our workforce, athletes, and stakeholders,”  ani Mitra.
 
“We have to strictly managed a number of health protocols, including those affecting workplace and professional athletes' license application procedures, to fight the spread of the Coronavirus disease,” sambit ni Mitra.
 
Gaya ng iba pang sector na nag-umpisa na ring magbalik sa gawain, handa na rin ang GAB para paglingkuran ang mga atleta sa kanilang pagbabalik sa normal na pamumuhay.
 
“So far, may may request na kaming natatanggap para sa pagbabalik ng pro football, gayundin sa basketball at combat sports tulad ng boxing, muay thai at mixed martial arts. Sa ngayon, patuloy ang aming monitoring at pakikipag-ugnayan sa Inter-Agency Task Force, para maisakatuparan ang pagbabalik ng sports sa tamang pagkakataon,” aniya.
 
Humingi rin si Mitra ng pang-unawa sa lahat, higit sa mga boxer na nabinbin ang mga laban bunsod ng COVID-19 na manatiling mahinahon at ipagpatuloy ang pagsasanay para masigurong handa ang kanilang mga pangangatawan at kaisipan.
 
Sa kasagsagan ng Enhanced Community Quarantine (ECQ), nakipag-ugnayan ang GAB sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) para maisama sa mabibigyan ng social amelioration ang mga boxer, trainers, at coach.
 
“Nabigyan po natin ng ayuda ang ating mga kasama, sa pamamagitan ng DSWD cash assistance para po sa mga licensed boxer, mma, muay thai fighters, trainers, matchmakers, at iba pang qualified  beneficiaries na nasa labas ng NCR,” ani pa Mitra. 
 
Samantala ilan sa mga protocol ng WBC sa pamumuno ni Mauricio Sulaiman ay ang mga sumusunod:
 
— pagsumite ng  health questionnaires ng boxers at miyembro ng kanilang teams para sa wastong  risk assessment ng medical doctor; Boxers at miyembro kanilang teams ay kailangang may ikalawang  Covid-19 test, 14 araw matapos ng inisyal na test;
 
— Use of “Online Judges”,  isang sistema na denibelop ng  WBC, na pumapayag na bawasan ang bilang ng mga taong present sa card;
 
— Virtual interviews bago at matapos ang laban. Ang boxing cards ay hindi bukas sa  media at tanging panayam at press conferences sa bisa ng birtuwal ang pupuwede; at
 
— presensiya ng  medical committee event ay ipoporma ng team of specialists sa iba't ibang lugar ng kalusugan, na may karanasan sa paggamot ng  infectious diseases, gayundin ang  application ng health safety protocols. (LP)