Magnolia kumapit sa silya ng  pag-asa, sinilaban ang Phoenix

Magnolia kumapit sa silya ng  pag-asa, sinilaban ang Phoenix

  • PBA
 
 Ni Louis Pangilinan 
 
Maagang pumutak ng Magnolia Pambansang Manok at pawang may kasagutan sa bawat arangkada ng Phoenix Pulse para hilahin ang 97-81 panalo para manatili sa kontensiyon sa Top Four sa PBA Governors' Cup eliminations, Miyerkoles ng gabi sa Cuneta Astrodome.
Sa astig sa pagpasok ni Chris Banchero, ginamit ng Hotshots ang kanilang tatag , bulabog,  takbuhan diretso sa ikalawang sunod at panglima sa kabuuan sa siyam na asignatura.
 
May disenteng buwenamano si Banchero kung saan ang Hotshot at serbisyo ng  datihang tirador ng Magnolia para selyuhan ang kanilang pag usad sa post-elims play.
 
Habang Fuel Masters, ay natagtag sa 2-7 - sa argabyadong kalagayan kung saan ang pinakamainam na kanilang atupagin ay silabin ang apat na panalo na may dalawang laro na lang ang nalalabi kontra  Alaska Milk at Blackwater.
 
Umariba ng todo ang Hotshots sa paghugot ng opening quarter,  21-12 at nangunyapit para igapos amg kanilang higpit na depensa. 
Si Romeo Travis at kanyang katropa ay inabatan ang Fuel Masters sa 12 points at  single seat
 
"Nasa isip kasi namin importante ang game na ito para makapasok kami sa quarters. Para ma-safe sa quarters, kailangan trabahuhin ang game na ito," ani Ian Sangalang, maangas na pwersa para sa Magnolia buhat sa bench, ay humakot ng  17 points at 5 rebounds.
 
Si Banchero, former Alaska player ay hinugot ng Magnolia kapalit nina Rodney Brondial at Rob Herndon, ay may 4-of-11 buhat sa field at dagdag ng 5 rebounds at 3 assists din bilang  reliever.