Lakas, depensa ambag ko sa Gilas - CJ Perez

Lakas, depensa ambag ko sa Gilas - CJ Perez

Walang pagsidlan sa tuwa sa hindi inaasahan ni PBA rookie CJ Perez nang mapabilang ang kanyang pangalan na mapasama sa final cut ng Gilas players na sasabak sa FIBA World Cup sa China.

Ayon kay CJ noong una raw ay nakita niya ito sa social media pero hindi muna niya pinansin.

Sumunod umanong tumawag sa kanya ang kanyang agent na siyang nagkumpirma sa pagiging bahagi niya sa Final 12.

Napabilang din da national squad ang isa pang PBA rookie na si Robert Bolick.

Siniguri naman ni Perez na ibubuhos niya ang lahat para sa bansa lalo na ang kanyang kontribusyon sa depensa at “energy” upang maging matagumpay ang kanilang kampanya sa world stage sa China.

Una na ring inamin ni head coach Yeng Guiao, na labis ang kayang pagbilib kina Perez at Bolick sa kanilang training camp kamakailan sa Spain.

Si CJ, 25, ay naglalaro sa PBA sa ilalim ng Columbian Dyip.

Ang 6-foot-2 shooting guard at small forward ay itinuturing na Fil-foreigner sa PBA dahil ipinanganak siya sa Hong Kong pero ang ina ay isang Pinay.

Gayunman lumaki siya sa Bautista, Pangasinan.(Louis Pangilinan)