Keifer Ravena balik Gilas na!

Keifer Ravena balik Gilas na!

Nagwakas na noong Sabado, Agosto 24, ang suspensyon na ipinataw kay Keifer Ravena ng FIBA dahil sa isyu ng doping.

Kaya naman kahapon , isang araw matapos ang higit isang taong pagpapahinga, muli nang isinuot ni Ravena ang kaniyang Gilas jersey sa pagharap ng koponan kontra Adelaide 36ers para sa huling tune-up game bago lumipad patungong China.

“Masaya, sobrang saya syempre. It might not show but I’m really just focused and getting back and helping the team,” ani Ravena.

“It’s been a long time, a long way coming. Sobrang ecstatic ko, finally tapos na di ba?”

Matapos ang maraming pinagdaanan ng basketbolista, labis ang kasiyahan ni Ravena na ang kaniyang unang laro ay para sa pambansang koponan.

“That’s just life, you know? Full circle. You just have to be patient,” saad ni Ravena.“You have to believe in yourself talaga and trust the people around you. Excited ako makabalik."

Nasa pagsasanay ng Gilas si Ravena sa mismong araw ng pagtatapos ng kaniyang FIBA suspension at mayroon itong plano para ipagdiwang ang kaniyang pagbabalik.

“I’ll go to mass and thank the Lord for all the blessings and for all the lessons I’ve learned all throughout,” ani Ravena. (Louis Pangilinan)