Elasto Painters pininta ang Final Four

Elasto Painters pininta ang Final Four

Smart Araneta Coliseum)
6:30pm - RoS vs San Miguel

Nagsilbing bala ng Rain Or Shine ang mainit na kamay ni Rey Mambatac sa mga kinakailangang sandali para ibagok ang Blackwater Elite 85-83 at akuin ang huling silya para semifinals nung Huwebes ng gabi sa Smart Araneta Coliseum.

Parang naging karakter na ito ni Mambatac kahit nung nasa kolehiyo pa siya sa Letran na naging sandigan ng tropa at maidala sa professional na liga para sagipin ang Elasto Painters sanhi ng undermanned dahil sa injuries.

"Di healthy ang team namin, so kailangan mag-step up," litanya ni Nambatac ilang sandali matapos ang heroic role na humimas sa E-Painters na makabalik sa semifinals ng midseason tourney.

"Yung mga veteran namin ang nagmo-motivate sa amin. Sabi nila hindi dahil mga bata kami, hindi na kami pwedeng tumira ng big shots," banggit pa ni Nambatac.

Kinomando niya ang tropa sa huli sa kanyang mga birada kabilang na ang marginal basket kung saan tuluyang ipininta ng E-Painters ang best-of-five semis showdown kontra reigning all-Filipino five-time champs San Miguel Beermen.

Magsisimula ang salpukang Beermen- RoS ngayong alas 6:30 ng gabi. Habang nauna nang sumabak kagabi ang Ginebra kontra TNT. (Louis Pangilinan)