TNT Ka Tropa nilasing ang Ginebra

TNT Ka Tropa nilasing ang Ginebra

Laro ngayon
(Smart Araneta Col)
7pm-Ginebra vs TNT

Tinagpas lahat ni import Terrence Jones ang anumang pag aalala ng TNT Ka Tropa matapos magpasiklab sa huling sandali ng aksiyon para unahan ang Barangay Ginebra, 95 - 92 nung Biyernes sa Game 1 ng kanilang PBA Commissioner's Cup sa best of five semifinals series sa Big Dome.

Ginapos ng dating NBA campaigner ang kanyang 24-point performance sa bisa ng isang basket makaraang agawan si Justin Brownlee at isa pang drive kasunod ng pagsupalpal kay Scottie Thompson, na nagpatibay sa TNT na makaangat sa unahan matapos maghabol sa halos buong second half.

Nang pumaltos ang desperadong three-point shot ni Joe Devance bago mag-final buzzer, opisyal na nakaungos ngayon ang KaTropa sa serye.

Tumabo din si Jones ng 12 rebounds, 7 assists, 4 blocks at 3 steals kontra pitong turnovers, habang si Troy Rosario ang higit na umariba para sa lokal na may double-double na personal conference-best 24 points at 10 boards.

Isang putback ni Rosario ang naghatid sa pampitong deadlock sa 89-89 bago ang kanyang libreng buslo ang naghatag sa KaTropa sa bentahe para sa ika 22 lead change, 91-89, 2:06 na lang ang nalalabi.

Makaraang umalis sa aksiyon na may left shoulder injury kasunod ng bungguan nila ni Brownlee, sumalansan si Anthony Semerad ng 17 points habang si Jayson Castro at Roger Pogoy ay umangkla sa 12 at 10 points, ayon sa pagkakasunod.


"I guess, obviously, defense got us the win. It really helped us, especially during the end of the game. We made some crucial stops," wika ni Ravena. (Louis Pangilinan)