Kenny Bayless, ang 3rd man sa lona

Kenny Bayless, ang 3rd man sa lona

Ni Louis Pangilinan
Las Vegas - Ipoposte ni Kenny Bayless ang kanyang pang-11 laban bilang referee sa Manny Pacquiao fight kontra Keith Thurman para sa WBA welterweight unified title sa MGM Grand Garden Arena Las Vegas ngayon.

Maalalang si Bayless, 68, ay unang naging reperi kay Pacquiao sa ikalawang upakan nito kay Erik Morales fight nung 2006.

Sa huling 10 bouts ni Pacquiao, limang beses senerbisyuhan ni Bayless abg Pinot icon kabilang na seventh round stoppage ni Lucas Matthysse para WBA 147-pound title sa Kuala Lumpur noong 2018.

Photo by Louis Pangilinan
Photo by Louis Pangilinan
Photo by Louis Pangilinan
Photo by Louis Pangilinan
Photo by Louis Pangilinan
Photo by Louis Pangilinan

Sa sampung asignatura ni Bayless, walong beses nanalo at 2 talo si Pacquiao.

Ang dalawang talo ay kina Juan Manuel Marquez sa pang apat na engkuwentro nung 2012 at Floyd Mayweather, Jr., 2015.

Si Bayless din ay nasa ring nang idispatsa ni Pacquiao si Ricky Hatton at Miguel Cotto. Siya rin ang referee nang ma outpoint niya si Sugar Shane Mosley taong 2011.Naplakda si Mosley sa third round at binilangan ni Bayless ng knockdown si Pacquiao sa 10th, bago nag-sorry sa kanyang pagkakamali.

Photo by Louis Pangilinan
Photo by Louis Pangilinan
Photo by Louis Pangilinan
Photo by Louis Pangilinan

Nasa blindside na puwesto si Bayless nang matumba si Pacquiao sa pagtulak ni Mosley.

Sa Video replays malinaw na hindi knockdown at inamin ni Bayless na siya'y nagkamali at personal na nagpaumanhin kay Pacquiao.

Samantala tatlong judges sa Pacquiao Thurman fight ay siyang parehong magsiserbisyo sa nakaraang laban niya kay Adrien Broner noong Enero.

Ang tatlong hurado ay sina Glenn Feldman ng Connecticut at Moretti at Tim Cheatham, kapwa taga-Las Vegas.
(Louis Pangilinan)