MANNY PACQUIAO VS KEITH THURMAN: ANG LABAN NG TAON

MANNY PACQUIAO VS KEITH THURMAN: ANG LABAN NG TAON

Ni Louis F. Pangilinan
Inaasahang isa na namang kasaysayan ang mauukit sa mundo ny boxing sa pagbangga ni 8 division champion/fighting senator Manny Pacquiao kontra American undefeated Keith sa July 20, 2019 sa MGM Grand Arena sa Las Vegas.

Si Thurman na former unified welterweight world champion, WBA title simula 2015 at WBC title ng 2017-2018 sa laban na ito ay nanatiling tahimik at pursigido sa ensayo sa target na maitumba ang Pambansang Kamao.

"Gagawin kong mahalaga si Pacquiao at tatapusin ko ang kanyang career sa boxing na parang ginawa niya kay Oscar de la Hoya," ani reigning WBA "Super" welter weight Thurman.

“I have heard what he has said. The more he trash-talks the more his insecurities show. I know he senses what is coming his way,” sambit naman ni Pacquiao sa Boxing scene website, at aniya pa'y kumpiyansa siya dahil sa kanyang experience sa boxing at bilis sa laban at yun ang kanyamg armas para matalo si Thurman.

Photo Credit: Mike Q
Photo Credit: Mike Q

Magugulat na lang umano si Thurman kung anong taktika ang gagamitin sa kanya ni Pacman.

"At this age, at 40, there is a level of adjustment in terms of body recovery, unlike when you were young you pushed your body in training day by day, you recovered at night,"ani Pacquiao.

"At this stage, where you are strong, it is difficult to recover the next day, but right now, the speed is there, the power, the speed ... by the grace of God." sabi naman ng kanyang coach na si Freddie Roach na kailangangbalansehin umano ni Manny ang kanyang mga kinakain katulad ng karne, manok at protina para magkaroon pa ng enerhiya para sa susunod na responsibilidad sa kanyang trabaho sa Philippine Congress.

Inamin din ni Pacquiao na hindi na siya kumakain ng mga maanghang na pagkain dahil siya ay nagkakaroon ng stomach reflux na nangyari sa laban nila noon ni Floyd Mayweather.

Hindi nagpalamang si Thurman dahil inagaw agad nito ang attention at sinabi sa Pre-fight presser na “Less than six rounds" lang si Pacquiao.

"I would love to be 30-0, with 23 knockouts. We’ve got 22 and we’ve held those 22 knockouts for a little too long. It’s time to get one more knockout.” bulalas ni Thurman na nagpahabol pa na, "Pacquiao isn't a real welterweight, and that he isn't a ring technician."