Pacquiao paborito na vs Thurman

Pacquiao paborito na vs Thurman

Ni Louis Pangilinan
Patuloy ang isinasagawang pang- aasar ni undefeated American Keith Thurman kay fighting senator Manny Pacquiao kulang tatlong linggo bago ang inaabangang salpukan nila sa Las Vegas.

Si Thurman (29-0-0, 22 KOs), na nakatakdang makipagbugbugan sa Pinoy icon isa sa pinakamatinding laban sa ngayon at ng tubong Florida ay sustenado ang pagmamaliit o pangbubuska habang papalapit ang kanilang WBA super welterweight showdown na nakaiskedyul sa Hulyo 20.

Sa panayam ng Fight Hub TV, sinabi ni an Thurman na ang eight-times division world champion (61-7-2, 39 KOs) ay walang nagawang : “goddamn thing” sa kanyang kontrobersiyal na pagkatalo kay Australia’s Jeff Horn sa kanilang laban noong July 2017.

Dinala ni Thurman ang isyu na isa pinakamasamang pagkatalo umano ni Pacman at hindi maka move on na muling ungkatin sa kanyang karibal.

Pero dagsa sa mga Pacquiao fan ang naniniwalang ang fighting senator mula Sarangani ay sapat ang ginawa para manaig sa laban sa Brisbane, ngunit iba ang naging basa ng mga hurado at hinatag ang panalo sa dating guro sa itinuturing na matinding upset.

“[I thought] it was a draw. What did he [Pacquiao] do? Round-by-round, what did he do? 12 rounds! He didn’t have him out – in one round [he had him hurt], can you count? Fool can you count?” ani Thurman.

“Jeff Horn barely did s***, Manny Pacquiao didn’t do a goddamn thing! Oh God, he didn’t do a goddamn thing! Nothing! Jeff Horn was like this – duck, duck – Jeff Horn said, ‘B****, please!’ Jeff Horn was a real man, he said, ‘Manny Pacquiao you don’t got nothing!’ If he had something, what would’ve happened?” aniya pa. (Louis Pangilinan)