Sabandal dinagit ang unang panalo para sa Adamson kontra UE, 74-61
Sa wakas, nailista na ng Adamson Falcons ang unang panalo sa UAAP Men' s basketball tournament, nang ilugso ang University of the East, 74-61 , Sabado sa Smart Araneta Coliseum.
Nagsilbing matikas na bagwis ng Soaring Falcons ang kisig ni Joem Sabandal na maagang umalpas sa kaagahan ng huling kanto ng giyera sa pagbitbit ng 12-3 panimula buhat sa dikitang 49-45 iskor tungo sa pagbiyak ng 61-48 kalamangan, may 6:34 sa fourth.