233 bilanggo, personnel at 3 city jail, ang nagpositibo sa COVID-19 —BJMP chief

233 bilanggo, personnel at 3 city jail, ang nagpositibo sa COVID-19 —BJMP chief

Kabuuang 233 bilanggo at jail personnel ang nahawaan ng  coronavirus disease 2019 (COVID-19) at tatlong city jails da bansa,  sabi ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP), Martes.
 
Sa isinagawang virtual meeting ng House Defeat COVID-19 committee, sinabi  ni BJMP chief Director Allan Iral na may 373 persons deprived of liberty (PDLs) ang na-test nila para sa COVID-19, 195 dito ang nagpositibo. 
 
Sa mga tested positive sa naturang sakit,  185 ang nakakulong sa Cebu City Jail, isa sa Mandaue City Jail, at 9 Quezon City Jail.
 
Wala pa sa mga infected PDLs ang nakarekober, ani pa Iral.
 
Sinabi din ni  Iral sa Kamara na 38 personnel ng BJMP ang tested positive ng COVID-19, kung saan lima ang gumaling. 
 
Para maiwasan ang pagkalat ng sakit, sinabi ni Iral na lahat ng COVID-19 patients, kapuwa PDLs at personnel, ay inihiwalay na at masusing nakamonitor.
 
Kinukonsidera din nila amg pagsasagawa ng  mass testing sa male dormitory ng Quezon City Jail gayundin sa Cebu City Jail.
 
May 150-bed COVID-19 isolation center ang nilagay sa pakikipag-ugnayan sa International Committee of the Red Cross para sa PDLs sa loob ng BJMP National Capital Region at kahalintulad na isolation facilities sa Pampanga at Quezon provinces.
 
Ayon pa kay Iral ang PDLs at BJMP personnel ay patuloy na magkakaloob ng face masks at vitamins, at ang pagpapalawig ng electronic "dalaw" system para payagan ang mga preso para sa agarang komunikasyon sa kani-kanilang pamilya. 
 
Iniulat ng DOH  na may  181 may bagong kaso ng COVID-19., 19  pumanaw at 43 ang bagong gumaling.
 
Ito ang nagdala sa kabuuang 7,958 kumpirmadong kaso, 530 patay, at 975 ang gumaling buhat 4pm ngayon, April 28. ( Robert Louis Pangilinan )
 
Photo credit : ABANTE TNT